Sa Dewil Valley, New Ibajay, El Nido, Palawan matatagpuan ang kuweba ng Ille, Istar at Makangit. Sa mga nabanggit, ang kweba ng Ille ang pinakamahalagang archaeological site El nido. Dito makikita ang:

Mga labi ng tao na nagkaka-idad ng 12,000 taon.
Mga bakas ng cremation 7,000-9,000 taon na ang nakalipas. Ito’y tinatayang pinakamatanda sa Timog-Silangang Asya.
Mga labi ng tigre na kauna-unahang natagpuan sa Pilipinas. Nagpapatunay ito na may lupang nag-ugnay sa Palawan at Borneo daan libong taon na nakalipas.
Ang paghuhukay arkeyolohikal sa Dewil Valley ay nagsimula noong 1998 sa pagsusumikap ni Dr. Wilhelm Solheim. Ito ay ginagawa taon-taon hanngang ngayon tuwing buwan ng Abril at Mayo. Pinangungunahan ni Dr. Victor Paz ng University of the Philippines-Archaeological Studies Program [UP-ASP] ang nasabing paghuhukay. Kasama rin nila si Dr. Helen Lewis ng University of Dublin at iba pang mga arkeyologo mula sa iba’t ibang unibersidad sa labas ng bansa.

Karagdagang atraksyon ang Dewil Valley sa El Nido. Isa ito sa mga pinupuntahan ng mga turista maliban sa magagandang isla, dalampasigan, taraw, talon, hotspring at gubat.

[Arvin L. Acosta, LGU, Photo Credits: UP-ASP]