Taong 2010 nang magkaroon ng field school sa Sibaltan ang mga estudyante ng arkeyologo na mula sa University of Washington [UW]. Pinangunahan ng University of the Philippines – Archaeological Studies Program [UP-ASP] ang paghuhukay at nagpadala rin ng mga kinatawan ang mga pamantasan sa Timog-Silang Asya at Korea. Matapos nilang matuklasan ang pamayanang nabuhay noong 500-1,500 na taon ang nakararaan, naglagay sila ng espasyo para sa Sibaltan Community Museum sa loob ng Barangay Hall.
Pagtapos ng dalawang taon, bumalik ang isang kinatawan ng UW, Si Lace Thornberg, para magsagawa ng workshop para palawigin ang Museong Bayan. Nais ni Lace na magkaroon ng tatlong uri ng exhibit sa museo: arkeolohikal, kultural and ekolohikal. Katulong ni Lace ang Municipal Tourism Office at ang grupong “Kamiyan” sa nasabing proyekto. Ang Kamiyan [Kalikasan ay Alagaan, Mahalin at Ingatan, Yaman natin YAN] ay ang grupong itinatag upang alagaan ang Marine Protected Area [MPA] ng Sibaltan.
Sa kasalukuyan, nasa ika-apat na workshops na ang mga mamamayan ng Sibaltan. Nagsimula ang unang workshop noong Abril 8, 2012 at ang huli ay noong Mayo 13. Nakatakda na rin ang dokumentaryo ng mga traditional na awit at tradisyunal na paraan ng panggagamot sa May 16.
Masaya ang mga taga-Sibaltan sa pag-kalap ng mga kuwento at kasaysayan ng lugar. Ngayon ay unti-unti nilang natatanto ang halaga ng mga ordinaryong bagay na ginagawa na kasalukuyan at nakaraan. At bandang huli, inaasahang sila na rin ang magkukusang panatilihin ang kulturang kinagisnan upang paunlarin ang industriyang turismo sa lugar at upang maipamana ang kulturang yaman sa sunod na henerasyon.
May 13, 2012